Ipinagpaliban na ng Beijing, China ang face-to-face classes o ang pagpasok sa eskwelahan ng mga estudyante kasunod ng umuusbong na COVID-19 outbreak doon.
Ayon sa Beijing Authorities, kinailangan nilang muling magpatupad ng protocol restrictions dahil sa muling pagtaas ng kaso sa kanilang lugar.
Dahil dito, sinabi ni City Government Spokesperson Xu Hejian, na ipagpapatuloy ng lahat ng mga nasa primary at middle school students ang kanilang online at home studies.
Pahayag naman ni Municipal Health Official Liu Xiaofeng na base sa kanilang datus, pawang galing sa mga bar ang 115 individuals na nahawaan ng virus.
Napilitang magpatupad ng months-long lockdown ang Shanghai, kabilang na ang kapitolyo ng Beijing dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases dahilan upang muling isara ang mga paaralan at magpatupad ng work from home para sa kanilang mga manggagawa.