Umapela ang grupong National Alliance of School Service Association sa LTFRB na huwag muna silang patawan ng multa kung hindi sila magpaparehistro ng sasakyan at magre-renew ng prangkisa.
Ito’y dahil sa pinaiiral na face to face classes sa mga paaralan kung kaya’t wala sila ngayong kita.
Ayon sa presidente ng grupo na si Celso Dela Paz, handa silang magrenew ng prangkisa kapag natapos na ang pandemya.
Matatandaang pinalawig na ng Land Transportation Office ang validity date ng rehistro ng mga sasakyan ngunit sinabi nito na walang multa kung pasok sa petsa ng pagbayad ng renewal ng prangkisa.
Palalawigin rin ang validity nito kapag na-expire ang prangkisa sa panahon ng Enhanced Community Quarantine o Modified Enhanced Community Quarantine. —sa panulat ni Hya Ludivico