Pinag-iingat ng grupong Ecowaste Coalition ang mga magulang na mamimili ng school supplies sa kanilang mga anak.
Ito’y ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Ecowaste ay dahil sa madalas ay may nahahalong lead at cadium sa mga school supplies na kanilang nabibili.
Partikular na aniya rito ang mga school supplies na gawa sa plastic materials na lubhang masama para sa kalusugan lalo na sa utak dahil sa posible aniya itong pagmulan ng cancer.
Gayunman, nilinaw ni Dizon na nakadepende aniya ito sa kung gaano katagal ang exposure ng isang indibiduwal sa naturang mga kemikal bago aniya lumabas ang epekto nito.
Pawanagan naman ng Ecowaste sa mga magulang, maging mapili, huwag basta bumili ng mura at suriing mabuti ang mga bibilhing produkto upang makatiyak na ligtas ito sa mga estudyante.