Magbabalik-operasyon na ang mga school transport services.
Ito’y bilang bahagi ng paghahanda ng (LTFRB) Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa face-to-face classes.
Magugunitang naglabas ng Memorandum Circular ang LTFRB kamakailan na nagpapahintulot sa mga aktibong Certificate of Public Convenience (CPC) at Provisional Authority na mag-operate bunsod ng nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ayon sa ahensya, kahit ang mga paso na ang CPCs ngunit may ‘pending application’ para sa pagpapalawig ng validity ay papayagan ding mag-operate.