Umarangkada na ang school year 2021-2022 para sa mga estudyante ngayong ikalawang taon ng distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.
Kanina, pormal na idineklara ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones ang pagbubukas ng klase para sa taong ito.
“Last year, we opened classes and we successfully ended those classes. Now, we are opening another school year, isn’t that success worthy of celebration in the light of all our challenges.”
Sa panayam naman ng DWIZ kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, sinabi niyang umabot ng 24.6-M ang bilang ng mga enrollee ngayong taon.
Katumbas aniya ito ng 93% ng kabuuang enrollment na kanilang naitala noong isang taon.
“Pero nakita natin dito na may mga ilan na tayong mga rehiyon na lampas na doon sa kanilang enrollment last year, so this is an indication that all our learners last year are continuing and those that opted to skip last year are coming back.”
Ang magkasunurang tinig nila DepEd Sec. Leonor Briones at Usec. Nepomuceno Malaluan.