Malaki ang maitutulong ng ikinakasang scientific survey ng Dangerous Drug Board (DDB) –hindi lamang sa pagtukoy ng tumpak na bilang ng mga drug user at pusher sa buong bansa.
Ayon kay DDB Chairman Secretary Catalino Cuy, malaki ang maitutulong nito sa mga law enforcers, local government units at iba pang ahensiya tulad ng Department of Health at Social Welfare and Development.
Sinabi ni Cuy mas madaling mapagpapasiyahan ang ilang mga hakbangin para tuluyang masugpo ang problema sa ilegal na droga.
Ilan aniya dito ay ang pagtatayo ng karagdagang rehabilitation centers o pagkakasa ng mga community based rehabilitation programs.
This will be a very useful management tool for all of us,” ani Cuy.
Dagdag ni Cuy, target nilang matapos ngayong buwan ang pagkuha ng mga datos at makapagpalabas ng kumpleto report hinggil sa survey bago matapos ang March 2020.
Provided naman din ‘yan doon sa executive order 66, pinirmahan ni President noong October last year na magka-condunct tayo ng survey this year and every year,” Ani Cuy.