Kumpiyansa si Ginebra shooting guard Scottie Thompson na makuha ang “Best Player of the Conference Award” matapos makapasok sa PBA Commissioner’s Cup Finals ang kanyang team.
Hinahabol ni Thompson ang nangungunang si Northport player Robert Bolick para sa individual award sa conference.
Nakapagtala si Bolick ng 33.9 Statistical Points (SPS) habang 32.1 SPS si Thompson kaya’t ito na ang tamang pagkakaon niya para ipakita na karapat-dapat siya sa award.
Samantala, kasalukuyan nasa Top spot si Ginebra resident import Justine Brownlee para sa Best Import Award na taglay nito ang 52.7 SPS. —sa panulat ni Jenn Patrolla