Pinahihigpitan ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensya na higpitan ang screening process sa mga papasukang banyaga ng Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito’y para maiwasan aniya ang pang-aabuso at pagmaltrato sa mga OFWs.
Sinabi pa ni TULFO na maraming OFWs ang naabuso dahil hindi lubos na nasasala ang kanilang amo.
Giit pa ni Tulfo bago ma-deploy ang isang OFW ay kailangan nilang mag-submit ng ibat-ibang requirements at clearance pero yung kanyang among pupuntahan ay wala man lang isusumiteng kahit anong record na nagpapakita kung anong klaseng tao ito.
Hiniling naman ng senador kay Migrant Workers Sec. Susan Ople na dapat may mahigpit na screening process sa foreign employers para matiyak ang kaligtasan ng OFWs.
Inihirit din ni Tulfo kay Ople na magkaroon ng monitoring system sa mga bansa para mapigilan ang ‘bentahan’ ng OFWs, na hindi pinapasuweldo ng kanilang mga amo.