Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa may pinaka-maraming medalya sa 30th Southeast Asian Games. (as of 5PM).
Ito ay matapos humakot ng kabuuang 90 medalya ang team Pilipinas sa ikatlong araw ng SEA Games.
Sa naturang bilang, 47 dito ang gintong medalya, 27 dito ang pilak na medalya at 16 ang tansong medalya.
Unang humakot ng gintong medalya ngayong araw sina Agatha Wong para sa wushu women’s taolu division, Crimasmuel Delfin para sa arnis men’s anyo non-trraditional division at Mary Aldeguer sa arnis women’s anyo non-traditional division.
Pumapangalawa naman ang Vietnam na mayroon ng 72 medalya, 22 rito ang ginto, 26 ang pilak at 24 ang tanso.
Sinundan naman ito ng Indonesia na nasa ikatlong pwesto at Malaysia na nasa ika-apat na puwesto.
Samantala, nalampasan na naman ng Pilipinas ang bilang ng gintong medalyang nakuha nito sa 2017 SEA Games sa loob lamang ng dalawang araw.
Umaarangkada pa rin ang Pilipinas sa SEA Games 2019 (as of 2PM).
Nangunguna pa rin ito sa medal tally ng naturang palaro kung saan mayroon ng kabuuang 77 na medalya ang Pilipinas; 41 rito ay ginto, 22 ay pilak at 14 ang tanso.
Narito ang kabuuang medal tally (as of 2PM):
Please refresh page for updates.