Pormal nang nagtapos ang 30th South East Asian Games (SEA Games) na ginanap dito sa Pilipinas.
6:00 ng gabi nang sinimulan ang closing ceremony sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Binuksan ang programa sa pagpapakitang gilas sa pagsasayaw ng mga aeta mula sa Porac, Pampanga.
Napili naman ang singer na si Arnel Pineda na umawit ng Lupang Hinirang.
Sinundan ito ng drone show at parada ng mga atleta, team officials at volunteers.
Ginawaran din ng parangal ang ilang atleta gaya ng ‘hero surfer’ na si Roger Casugay dahil sa ginawa nitong pagliligtas sa kaniyang katungali mula sa Indonesia sa kasagsagan ng kanilang laban.
Itinanghal naman na ‘best male athlete’ ang Singaporean swimmer na si Uah Zheng Wen habang ‘best female athlete’ naman ang Vietnamese swimmer na si Nguyen Thi Anh Vien.
Matapos ang ilang talumpati, opisyal namang isinara ni Executive Sec. Salvador Medialdea ang palaro.
WATCH: Pagtatapos ng #SEAGames2019 https://t.co/bKd4SHairM pic.twitter.com/JA2qvHM4mN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 11, 2019