Nagpaliwanag ang hotel kung saan nagka -berya ang accomodation ng ilang mga manlalarong kalahok sa Southeast Asian (SEA) Games.
Una nang nagreklamo ang football teams ng Cambodia at Thailand na sinasabing natulog sa carpet at nagreklamo sa paulit-ulit na menu ng hotel.
Ayon sa Century Park Hotel Manila, lumagda sila ng kasunduan sa organizer na ang standard check-in time ay alas-2 ng hapon.
Sa kabila nito, aminado ang pamunuan ng hotel na alam nilang mas maagang darating ang team ng Cambodia ngunit hindi agad sila nabigyan ng room dahil sa full occupancy.
Sa kabila nito, sinabi ng Century Park Hotel, inalok nila na sa function room muna manatili ang mga manlalaro pagkatapos nilang pakainin ang mga ito at nag alok din ng bigyan ng mattress para kanilang mahigaan na tumanggi naman ang mga player.
Ukol naman sa paulit-ulit na menu, sinabi ng management na ang menu ay pinlantsa ng mga organizer gayundin ang bilang ng mga bottled water na ipagkakaloob sa mga bisita.
Sa kabila ng mga naging aberya, siniguro ng pamunuan ng hotel na pagsisikapan nilang mas maayos pa ang kanilang serrbisyo upang mabigyan ng memorable stay ang mga atleta.