Kinumpirma ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes na hawak na ng team ang homecourt advantage sa 2017 South East Asian Basketball Association o SEABA Championship.
Ayon kay Reyes, ini-award sa Pilipinas ang hosting rights para sa regional tournament na gaganapin sa Metro Manila sa Abril 23 hanggang 30.
Hindi naman tinukoy ni Coach Chot kung saang partikular na lugar sa Metro Manila idaraos ang nasabing torneyo.
Ang SEABA ang magsisilbing qualifying tournament ng 2017 FIBA Asia Championship sa Lebanon, sa Agosto 17 hanggang 27.
Makakalaban ng Gilas sa SEABA ang Malaysia, Singapore, Vietnam, Thailand, Indonesia, Myanmar at Singapore.
By Drew Nacino | Real Sports ni Anthony Suntay