Nagtapos na ngayong araw ang Southeast Asia Cooperation and training (SEACAT) 2021na dinaluhan ng iba’t ibang naval forces sa Timog Silangang Asya.
Kabilang sa mga lumahok ang Philippine Navy kung saan, itinampok ang bagong frigate ng bansa na BRP Antonio Luna, patrol craft na BRP Nestor Reinoso, AgustaWestland 109 helicopter at islander aircraft.
Isinagawa ang naturang pagsasanay mula Agosto 15 hanggang 17 mula sa hilagang bahagi ng Palawan hanggang sa silangang dalampasigan ng Puerto Princessa na sakop ng Sulu Sea.
Dito’y nasubukan ang navy sa kanilang air, surface at ground communication gayundin ang Navy at Coast Guard surface tracking, aerial surveillance, coastal radar at automatic identification system.
Nagmpanan ng Philippine Navy ang kanilang misyon na masubukan at mapahusay ang kanilang kakayahan upang mapanatili ang magandang ugnayan sa iba pang regional navy.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)