Nagsimula na ang taunang maritime security exercise ng Pilipinas kasama ang Amerika at 6 na mga bansa sa Southeast Asia kahapon.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas ng SEACAT o Southeast Asia Cooperation and Training na nilahukan ng Brunei, Thailand, Singapore, Malaysia, Indonesia at Sri Lanka.
Ayon kay Philippine Coast Guard o PCG Spokesman Commander Armand Balilo, kabilang sa highlight ng naturang aktibidad ay ang pagkakaroon ng maritime interdiction operation, board at search and seizure na pangungunahan ng US Coast Guard Law Enforcement Detachment.
Aniya, umaasa silang maraming matutuunan ang PCG mula sa mga gagawing exercises lalo na pagdating sa isyu ng rules of engagement issue.
Magkakaroon din ng boarding exercises sa tatlong mga sasakyang pandagat ng Coast Guard ang BRP Corregidor, BRP Davao del Norte at BRP Capones.
Samantala matapos naman ang dalawang linggong training ng mga opisyal ng PCG sa China, pinaplantsa naman sa ngayon ang posibleng pagbisita ng isa sa mga barko ng Chinese Coast Guard sa susunod na buwan.
By Rianne Briones