Walang plano ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na palawigin ang SEA games.
Sa kabila ito ng kanselasyon ng ilang laro dahil sa banta ng bagyong Tisoy.
Ayon kay PHISGOC chief operating officer Ramon Suzara, ilang araw na rin nilang pinaghandaan ang contingency plan para sa pagdating ng bagyong Ramon.
Pinag usapan na rin aniya ng komite ang pagbabago sa format ng kumpetisyon subalit hindi papalitan ang lokasyon ng mga laban upang agad rin itong maipagpatuloy paglabas ng bagyo.
Pormal na nagbukas ang SEA Games nuong Nobyembre 30 at magtatapos sa Disyembre 11.