Maglalagay na ng mga SIU o Seaport Interdiction Unit ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Batay sa memorandum na nilagdaan ni PDEA Director General Isidro Lapeña, ang SIU ay siyang pipigil sa pagpasok ng mga iligal na droga at kontrabando sa bansa.
Ang SIU rin ang mag-iimbestiga sa mga aktibidad na may kinalaman sa droga sa mga pantalan maging sa mga pasahero at shipping company na posileng may koneksyon sa pagpasok ng droga.
Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng pagkakapuslit ng mahigit 6 na bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa na mula sa China.
By Krista de Dios