Naglunsad na ng search and rescue operation ang Indonesian authorities kasunod ng pagkawala ng isang eroplano lulan ang 10 tao sa Sulawesi Island
Ayon sa Transportation Ministry, nawalan ng kontak sa eroplano ng Aviastar, 30-minuto sa nakatakda sanang pag-landing nito sa Makassar City.
Ilang beses na ring nasangkot sa air accident ang mga eroplano ng Aviastar kabilang na ang insidente noong Agosto kung saan patay ang higit sa 50 mga pasahero nang mag-crash ang isa sa mga eroplano nito sa Papua New Guinea.
By Rianne Briones