Nakalasap din ng matinding hagupit ng Bagyong Ompong ang lalawigan ng Ilocos Norte.
Sa panayam ng DWIZ kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos, pinakamatinding napinsala ang mga bayan ng Pasuquin at Pipdig na ilan sa mga coastal areas sa kanilang lalawigan.
Kasalukuyan din aniyang hindi muna pinababalik ang mga evacuees sa mga coastal towns ng Pagudpud, Pasuquin, Curimao at Baddoc dahil sa pangamba ng storm surge.
“Iba parin ang itsura ng dagat eh, baka magka storm surge ng todo-todo din so kakaiba talaga ang itsura ng dagat eh…. umaatras yung tubig ng todo todo tapos babalik ng mataas na mataas”.
Ayon pa kay Marcos, ngayon pa lamang din mag-iikot ang kanilang search and rescue teams matapos hindi maka-takbo kahapon dahil sa sobrang lakas ng pag-ulan.
“Mahirap dumaan sa mga kalye ngayon eh, puro mga nagtumbahan na malalaking kahoy yung mga centuries old pati yung mga malalaking mangga, tumba tumba kaya yung mga kalye namin hindi madaanan”.