Patuloy pa ring pinaghahahanap ang sampung marino na napaulat na nawawala matapos bumangga ang US navy ship na USS John McCain sa isang merchant vessel sa Singapore.
Ayon sa Maritime and Port Authority of Singapore nagkaroon ng pinsala ang gilid ng USS John McCain at humiling na hilahin ito patungong port.
Naglunsad na rin ng search and rescue operations ang ilang barko at helicopter mula sa Singapore.
Samantala, wala namang napaulat na oil spill sa naganap na banggaan ng dalawang barko.