Magsasagawa na rin ng search and rescue ang Philippine Navy upang hanapin ang piloto at student pilot na sakay ng bumagsak na trainer aircraft.
Ito’y matapos matagpuan ang mga wasak na bahagi ng trainer aircraft sa karagatang sakop ng Mindoro.
Unang napaulat na nawawala ang eroplano ilang sandali lamang matapos itong mag take off sa San Jose airport sa Occidental Mindoro sakay ang pilotong si Capt. Jose Nelson Yapparcon at estudyante nitong Saudi national na si Abdullah Alsharif.
Ayon kay Lt. Commander Edison Abanilla ng Philippine Coastguard sa Occidental Mindoro, ang wreakage ng trainer aircraft ay natagpuan ng pribadong eroplano ng DMCI samantalang nakita naman ng cessna caravan seaplane ng CAAP pilot bag kung saan nakumpirma na si Captain Vapparcon ang may dala ng trainer aircraft.
Sinabi ni Abanilla na nasa Semirara, Quezon na sa ngayon ang mga kaanak ni pilotong si Japparcon.
“Pag buhay na po kasi ang on stake, talagang as much as possible po is aasa po tayo na walang masamang nangyari so hindi pa po natin ma-confirm until such time na makita po talaga natin. Ngayong araw na po na ito, kung makit yung mga reported na mga debree ng missing na aircraft, baka po siguro natin maco-confirm.”- Pahayag ni Lt. Cmdr. Edison Abanilla, PCG
(Ratsada Balita interview)