Inihayag ng Armed Forces of the Philippines o AFP na patuloy ang kanilang search and rescue operations upang mailigtas ang dalawang tropa at labin-dalawang militiamen na sinasabing dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army sa Sibagat, Agusan del Norte noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, hindi tumitigil ang militar sa ginagawa nitong operasyon kung saan pinangungunahan ito ng 4th infantry division na naka-base sa Cagayan.
Hindi umano dapat mabahala ang pamilya ng mga hostages dahil ang kaligtasan ng mga bihag ang prayoridad ng mga operatiba ng militar na nagsasagawa ng operasyon.
Maliban dito, hindi rin aniya dapat na magpadalus-dalos dahil kinakailangang gamitin ang nararapat na istratehiya upang hindi malagay sa peligro ang buhay ng mga biktima.