Pansamantalang itinigil ang search and rescue operations sa nawawalang dalawa katao sa Makilala, Cotabato.
Ito, ayon kay Ricardo Jalad, executive director ng NDRRMC ay dahil sa panganib ng landslide sa mga rescuer.
Muling nilinaw ng NDRRMC na 21 ang death toll sa dalawang malalakas na lindol na tumama sa Mindanao dahil iisang tao lamang ang nakalagay na dalawang pangalan sa listahan.
Samantala, nasa 421 naman ang bilang ng mga nasugatan sa mga pagyanig.