Naunsyami ang search and rescue operations ng mga otoridad sa mga biktima ng magnitude 7.1 na lindol sa Mexico.
Ito’y makaraang muling yanigin ng magnitude 6.2 na aftershock ang naturang bansa dahilan upang ma-alarma ang publiko.
Natunton ang sentro ng pagyanig malapit sa Juchitan, sa Oaxaca state na kabilang sa matinding tinamaan ng magnitude 8.1 na lindol noon namang September 7.
Libu-libo ang muling nagtakbuhan patungo sa mga kalsada sa Oaxaca maging sa Mexico City nang maramdaman ang malakas na pagyanig, kanina.
Ang magnitude 6.2 ay aftershock mula sa magnitude 7.1 na major earthquake na tumama sa Mexico, noong Setyembre 20.
SMW: RPE