Itinigil na ang search and retrieval operation sa isang barangay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte na nagkaroon ng landslide matapos hagupitin ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Datu Jaffer Sinsuat, Chairman ng Barangay Kusiong na pinakanapinsala ng bagyo, itinigil na ng incident command post sa pangunguna ng 6th infantry division ang operasyon at ipinaubaya na lang ito sa mga LGUs.
Bago tapusin ang operasyon, nag-alay muna ng panalangin ang mga rescuers sa mga nasawi sa landslide.
Hindi naman maaaring ituloy ng barangay ang operasyon hangga’t wala itong direktiba mula sa LGU.
Sa ngayon, ang rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo ang mas tinututukan ng LGU at mga otoridad.