Nagpapatuloy ang search and retrieval operations nang binuong ‘Naval Task Group – Sulu 2.0′ para mahanap ang labi ng pitong (7) notorious Abu Sayyaf kidnappers matapos makasagupa sa karagan ng mga tauhan ng Joint Task Force Sulu.
Ayon kay NTG Sulu 2.0 at Third Boat Attack Division Commander Commodore Philip Edward Lamug, ginagawa nila ang lahat ng paraan para mahanap ang mga labi ng mga nasabing terorista.
Sinabi ni Layug na nahati na nila sa apat na quadrants ang encounter site na mahigpit nang tinututukan ng search teams.
Nakabantay din ang isang patrol craft at isang multipurpose assault craft sa posibleng paglutang ng mga labi ng pitong (7) terorista.
Ipinabatid ni Lamug na maaaring lumutang sa susunod na dalawa hanggang apat na araw ang mga labi at mapadpad sa pampang at hindi uubrang i-dive ng mga sundalong divers dahil sobrang lalim ng dagat.