Gumagamit na ng special equipment ang rescuers mula sa Davao Central 911 para ma-detect kung mayroon pang buhay sa gumuhong commercial center sa Padada, Davao Del Sur matapos ang magnitude 6.9 na lindol kahapon.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction And Management Office (MDRRMO), anim ang nasugatan at lima ang hinihinalang nawawala pa sa gumuhong Southern Trade Shopping Center –base na rin sa impormasyon ng mga kaanak ng mga ito.
Inamin ng mga otoridad na hirap silang magsagawa ng search and retrieval operations sa lugar dahil sa mga aftershocks at manaka-nakang pagbuhos ng ulan.
Focus ng retrieval operations ay ang exit area malapit sa payment counters dahil dito nagtakbuhan ang mga tao matapos ang unang pagyanig.
Samantala, isang water reservoir at isa pang commercial establishment ang gumuho sa padada.
Apat ang sugatan sa pagguho ng water reservoir.