Tinapos na ng mga otoridad ang search operations nito matapos ang malawakang landslide sa Guatemala.
Ayon sa mga otoridad, nasa kabuuang 280 ang nasawi sa nasabing landslide at 70 pang nawawala.
Nalibing ng buhay ang maraming pamilya nang matabunan ng tone-toneladang lupa, bato at mga puno sa pagguho ng lipa sa Santa Catarina Piula.
Labing dalawang (12) araw isinagawa ang operasyon ng mga otoridad matapos ang nasabing landslide.
By Judith Larino