Magpapatuloy pa ang isinasagawang search, rescue and retrieval operations sa gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga sa loob ng dalawa araw hanggang isang linggo.
Ito ang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kabila ng kawalan na ng signs of life o palatandaang may buhay pa sa gumuhong supermarket.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, ito ang kanilang napagkasunduan sa isinagawang brieifing kahapon sa barangay hall ng Barangay Cangatba sa Porac.
Patuloy din aniyang umaasa ang kanilang search, rescue and retrieval team na may makikita pa silang buhay mula sa pitong iba pang nawawala sa pagguho ng Chuzon Supermarket dahil sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon noong Lunes.
Batay sa talaan ng NDRMMC, nasa 18 ang nasawi sa nasabing lindol habang 222 naman ang sugatan.