Tuluy-tuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad sa nawawalang pitong mangingisda matapos ma disgrasya sa Palawan.
Ayon kay Philippine Coastguard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo tumutulong na sa kanila ang Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang air force at navy sa paghahanap sa mga nasabing mangingisda.
Lumipad na aniya ang eroplano ng airforce gayundin ay pinalarga na ang barko ng navy kasama ang barko at eroplano rin ng coastguard para sa search and rescue operations.
Magugunitang bumangga ang pinoy boat na FB JOT-18 sa MV Happy Hiro na isang cargo vessel na naglalayag sa bandila ng Marshall Islands, sa Maracanao Island sa Agutaya, Palawan.