Itinigil na ang search, rescue and retrieval o SRR operations sa ilang landslide-hit areas sa Baybay City, Leyte, upang matiyak ang kaligtasan ng mga rescuer.
Ayon kay Lord Byron Torrecarion, Regional Director ng Office of Civil Defense sa Region 8, inihinto na ang SRR operations sa barangay Mailhi at Bunga, ngunit magpapatuloy naman ang operasyon sa barangay kantagnos.
Aniya, tatapusin na rin nila ngayong araw ang SRR operations sa Abuyog, Leyte.
Sinabi pa ni Torrecarion na batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot sa 104 na indibidwal ang napaulat na nawawala sa nangyaring pananalasa ng bagyong “Agaton”.