Nakausap na ng dalawang Pinoy survivors ng lumubog na barko sa East China Sea ang kani-kanilang pamilya at mga kaanak.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tokyo, Japan matapos masagip ang dalawa ng Japanese Coast Guard na nagpapatrolya sa nasabing karagatan.
Pagtitiyak naman ng Philippine Consulate General sa Osaka gayundin ng Philippine Oversease Labor Office (POLO), patuloy ang kanilang ugnayan sa Japanese Coast Guard maging sa may-ari ng barko at manning agency para mabigyan ng kaukulang ayuda ang pamilya ng mga apektadong tripulante.
Nabatid na 39 mula sa 43 ang mga tripulante ng lumubog na barko sa East China Sea dahil sa malakas na alon ang ngayo’y pinaghahanap pa ng mga awtoridad sa Japan.
Gayunman, pansamantala munang itinigil ng Japanese Coast Guard ang kanilang search and rescue operations dahil sa paparating na bagyo sa Japan ngayong araw.