Kinukwestiyon ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon ang oras kung kailan isinilbi ang search warrant laban kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
Ayon kay Drilon, nakapagtatakang tulad nang kay dating albuera Leyte Mayor Reynaldo Espinosa ay madaling araw din isinilbi ang search warrant kay Parijonog at humantong din sa pagkasawi ng nito.
Aniya, nagkataon lamang bang dalawang alkaldeng binansagang drug lord ang kapwa napatay makaraang silbihan ng search warrant sa madaling araw.
Giit pa ni Drilon, sa pangkalahatan ay umaga sa halip na madaling araw isinisilbi ang search warrant.