Pinawalang-bisa ng Batangas Court ang search warrant na ginamit ng mga pulis laban sa isang aktibista dahil sa pagkabigong tukuyin ang lugar na hahalughugin.
Ibinasura din ng Tanauan, Batangas City Regional Trial Court ang kasong Illegal Possession of Firearms And Explosives laban kay Erlindo Baez, Spokesperson ng Bagong Alyansang Makabayan-Batangas Chapter.
Si Baez ay hindi kabilang sa mga nasawi sa tinaguriang bloody sunday raids dahil wala siya sa kanyang bahay nang ihain ng awtoridad ang search warrant ngunit sinampahan din siya ng naturang kaso. —sa panulat ni Hya Ludivico