Hindi muna papayagan ng Philippine Coast Guard Aklan ang pagsasagawa ng seasports activities sa Boracay at maging sa buong lalawigan ng Aklan.
Sa ipinalabas na advisory na nilagdaan ni PCG commander Jose Jacinto, Jr., tanging pangingisda ang pahihintulutang aktibidad sa nasabing mga lugar.
Alinsunod ito sa executive order no. 019 ni Aklan Governor Florencio Miraflores kaugnay sa pagsasailalim sa lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ )hanggang Agosto 15 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19. —sa panulat ni Hya Ludivico