Humiling ng karagdagang budget ang seaweed at bamboo industry group sa pamahalaan.
Sinabi ni Seaweed Industry Association Of The Philippines Chair Alfredo Pedrosa the third na ang pagbabalik ng orihinal na budget na P250-M ay may malaking tulong sa kanilang industriya.
Malayo na rin aniya mararating ng nasabing halaga para mapalakas ang seaweed industry at matulungan ang kabuhayan ng mga producers.
Sa panig naman ng Philippine Bamboo Foundation Inc. President Edgardo Manda na ang paglalaan ng 2-B ay makatutulong sa paggawa ng mga flooding materials at paggawa ng mga Commercial Bamboo Plantations.
Sa nasabing mga programa, makikinabang din ang mga local farmers ng mga kawayan.