Hinimok ni Sen. Francis Kiko Pangilinan ang Department of Agriculture na paunlarin ang seaweed manufacturing industry ng bansa.
Ani Pangilinan napakayaman ng bansa sa suplay ng naturang halamang dagat.
Ngunit 70% ng carrageenan o red seaweed ang binabagsak ng bansa sa pandaigdigang merkado pero pagdating sa processed sea weed 4% lamang dito ang nanggagaling sa Pilipinas.
Ayon kay Pangilinan 10 beses na malaki ang kita sa processed kumpara sa raw.
Ginagamit ang processed seaweed sa mga dairy at meat products, pagkain ng mga alagang hayop, air freshener gels at toothpaste.
Nagmumula naman sa China ang 55% ng demand ng carrageenan na sinundan ng Indonesia at 30% ng datos mula sa Department of Agriculture.