Iginiit nina suspended Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at resigned Sugar Regulatory Administration Chief Hermenigildo Serafica na wala silang ginawang masama kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order Number 4.
Binigyang diin nina Sebastian at Serafica na malinis ang kanilang kunsensya sa kabila ng rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng administrative at criminal cases.
Sinabi ni Serafica na nalulungkot sila dahil hindi nabigyan ng bigat ang ebidensyang iniharap nila.
Tumanggi namang magsalita pa si Sebastian lalo na’t wala pa aniya siyang hawak na kopya ng Blue Ribbon report.