Pinayuhan ni Senador Panfilo Lacson si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na alamin muna ang mga pangyayari at impormasyon bago magsalita sa harap ng publiko at mag-akusa ng kung anu-ano.
Reaksyon ito ni Lacson makaraang humingi ng paumanhin si Aguirre kay Senador Bam Aquino makaraang i-ugnay ito sa mga nasa likod ng ginawang pag-atake ng Maute Terror Group sa Marawi City.
Dahil nakumpirma na ng Commission on Appointments si Aguirre, sinabi ni Lacson na wala nang magagawa pa ang komisyon sa mga kapalpakan na pinasok ng kalihim.
Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ayon kay Lacson ang mapagsasabi kung ano ang magiging kapalaran ni Aguirre bilang pinuno ng ahensyang kaniyang hinahawakan.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno