Handa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pakinggan ang ibubunyag ni big time drug lord JB Sebastian hinggil sa umanoy illegal drug trade sa loob ng NBP o New Bilibid Prison
Sinabi ni Aguirre na kakausapin niya ang abogado ni Sebastian kung nais ng NBP inmate
Kasunod na rin ito nang pagbasura ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag ng kampo ni Sebastian na tanging sa Pangulo lamang siya magsasalita hinggil sa NBP illegal drug trade
Ayon kay Aguirre sinabihan na ng Pangulo ang kampo ni Sebastian na mag execute ng affidavit ng kaniyang mga ibubunyag
By: Judith Larino