Ikinumpara ni Senador Antonio Trillanes si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Pontio Pilato.
Kasunod ito ng pagtatanong ni aguirre sa rally ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang gusto nilang sunod na makulong.
Ayon kay Trillanes, ipinakita nito kung anong klaseng Justice Secretary si Aguirre.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes
Iginiit ni Trillanes na hindi siya natatakot at ipagpapatuloy niyang ibunyag ang mga pag-aabuso ng Administrasyong Duterte.
Samantala, sinabi ng Senador na nalaman niyang hindi siya kakasuhan pero ipapapatay at palalabasing nasangkot sa vehicular accident.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes
By: Avee Devierte / Cely Bueno