Ipinaubaya na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa PDEA o Phillipine Drug Enforcement Agency ang isyu kaugnay sa pagkakasangkot nina Senador Franklin Drilon, dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Iloilo City Mayor Jed Mabilog sa iligal na droga.
Bunsod ito ng tanong kung anong aksyon ang gagawin ng DOJ sa imporasyon na inihayag ng bagman ng Beria drug group na si Ricky Sereño na nagdawit kay Drilon, Roxas at Mabilog.
Ayon kay Aguirre, pinaubaya na niya SA pdea dahil sa direktiba na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangugunahan na ng naturang ahensiya ang anti-illegal drug campaign ng administrasyon.
Nasa sa PDEA na aniya ang pasya kung anong sunod na hakbang ang gagawin matapos matanggap ang nasabing impormasyon.