Natatawang dumipensa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre hinggil sa kanyang talumpati sa Pro-Duterte Rally.
Sinabi ni Aguirre na nagbibiro lamang siya nang tinanong niya ang mga dumalo ng rally sa Quirino Grandstand noong Sabado kung sino ang nais nilang sumunod kay Senadora Leila de Lima sa kulungan.
Parunggit ng Justice Secretary, tila walang sense of humor ang kanyang mga kritiko.
Gayunpaman, sinabi ni Aguirre na nirerespeto niya si Senadora Grace Poe na nagsabing maging maingat na ang kalihim sa mga ganitong pagtitipon.
By: Avee Devierte / Bert Mozo