Nagsorry si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa tatlong Senador na inakusahan nyang nag uugnay sa kanya sa bribery scandal sa Bureau of Immigration.
Nuong una ay kay Senador Francis Pangilinan lamang humingi ng paumanhin si Aguirre dahil kinausap anya sya ng Senador hinggil sa dito.
Dahil dito, umalma si Senador Leila De Lima dahil wala anya syang kinalaman sa mga akusasyon ni Aguirre.
Nang masukol, inamin ni Aguirre na may nagsabi lamang sa kanya hinggil sa di umanoy planong paninira sa kanya ng tatlong Senador na kinabibilangan nina Pangilinan, De Lima at Senador Antonio Trillanes.
Pakinggan: Tinig nina Senador Richard Gordon, Senador Leila De Lima at Justice Secretary
By: Len Aguirre