Nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa isiniwalat niyang pananambang sa asawa ng presong si Noel Martinez.
Nagpalabas ng mga larawan ang Department of Justice ng na magpapatunay aniyang pinagtangkaan ang buhay ni Lalaine Martinez.
Sa mga inilabas na larawan, makikita ang windshield na may tama na baril at ang duguang si Ginang Martinez na bumababa ng sasakyan.
Nauna nang pinabulaanan ng Makati City Police na may naganap na ambush sa kanilang hurisdiksyon noong isang linggo.
Matatandaang sinabi ni Aguirre na nanggaling kay Martinez ang impormasyong tinangka umanong suhulan ang mga high profile inmate ng Bilibid upang bawiin nila ang kanilang testimonyang nagdiin kay Senadora Leila de Lima sa kalakalan ng iligal na droga.
By: Avee Devierte / Bert Mozo