Naninidigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ang kagawaran ang mayroong eksklusibong karapatan para mailagay ang isang testigo sa Witness Protection Program.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng planong pagharang ng Ombudsman sa pagiging state witness ng tinaguring pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.
Naniniwala rin si Aguirre na karapatan ng Ombudsman o ng sinuman na gawin ang nais nitong gawin hangga’t wala itong nalalabag na batas.
Gayunman, sinabi ni Aguirre na sakaling mag-apply si Napoles bilang testigo at kung kuwalipikado naman ito ay handa nila itong gawing state witness.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo