Umapela na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Internal Revenue Commissioner Cesar Dulay upang imbestigahan ang negosyanteng si Charlie “atong” Ang.
Sa isang pahinang liham na pirmado ni Aguirre, nais niyang siyasatin ng B.I.R. ang posibleng paglabag ni ang sa umiiral na tax code sa bansa.
Ang hirit ni Aguirre ay kasunod ng pag-ooperate umano ng kumpanya ni ang na Meridien sa labas ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA.
Sa ilalim umano ng section 5 at section 6 ng national internal revenue code, may kapangyarihan ang B.I.R. Comissioner na imbestigahan si Ang maging ang kumpanyang Meridien Vista Gaming Corporation.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy na susuportahan ng D.O.J. ang run after tax evaders o rate program ng BIR sa pamamagitan ng pagpapalakas sa pag-usig sa mga kaso ng tax evasion.
By: Drew Nacino / Bert Mozo