Walang nakikitang dahilan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre upang ipaaresto ang may-ari ng Mighty Cigarette Corporation na si Alexander Wong Chu-King na nagtungo pa sa kanyang tanggapan.
Ayon kay Aguirre, may proseso na dapat sundin sa pag-aresto sa isang pinag-hihinalaan dahil sa kanyang paniniwala na dapat munang gawin ay mag-usap ang mga kinatawan ng Mighty, Department of Finance, Bureau of Internal Revenue;
Bureau of Customs at Department of Justice upang matukoy ang kabuuang utang ng naturang tobaco company.
Kung magpapasyahan anya ng DOF, BIR at BOC na dapat ipagpaharap sa DOJ ng kasong kriminal ang may-ari at mga opisyal ng Mighty.
Tiniyak naman ng kalihim na tutuparin nila ang kanilang tungkulin na tukuyin kung may probable cause upang dalhin sa korte ang kasong isasampa ng mga nasabing ahensya ng gobyerno.
By: Drew Nacino / Bert Mozo