Inatasan ni Pangulong Noynoy Aquino si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras bilang punong tagapag-ugnay ng mga ahensya ng gobyernong may kinalaman sa trapiko.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, bagama’t hindi direktang itinalaga bilang traffic czar, mahalaga naman ang papel na gagampanan nito upang maresolba ang problema sa matinding trapiko sa Metro Manila.
Kabilang sa mga pananagutan ni Almendras ang ipaabot sa mga concerned agencies tulad ng Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang mga hakbang para mapagaan ang konsumisyon at sakripisyo ng milyung-milyong motorist.
Simula bukas, ang Highway Patrol Group na sa halip ang MMDA ang siyang mag-aayos ng daloy ng trapiko sa mga tinaguriang major choke points partikular sa EDSA bilang paunang hakbang sa pagdidisiplina sa mga pasaway na motorist.
By: Jaymark Dagala