Nakuryente si Presidential Communications Secretary Martin Andanar kaugnay sa alegasyong nabigyan ng Isanlibong Dolyar ang mga reporter na nag cover ng press conference ni retired SPO3 Arthur Lascanias.
Ayon ito kay Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III bagamat binibigyan niya aniya ng benefit of the doubt si Andanar.
Sinabi ni Sotto na hindi siya naniniwalang gawa gawa lamang ni Andanar ang nasabing pagbubunyag kundi may nagbulong dito at posible aniyag MERALCO ang source nito.
Bakit hindi aniya Dalawampung Libong Piso o Limampung Libong o kaya naman ay Isandaang Libong Piso at bakit Isanlibong Dolyar pa ang nasabing figure.
Ganito rin ang pananaw ni Senador Bam Aquino na hinimok si Andanar na i check muna ang pinanggagalingan ng mga impormasyon nito.
By : Judith Larino / Cely Bueno