Dapat nang sibakin ang mga writer at editor ng PNA o Philippine News Agency dahil sa mali-maling mga impormasyong ipinalalabas dito.
Ito’y ayon kay Eastern Samar Representative Ben Evardone kasunod ng paulit-ulit na sablay ng web-based newswire service ng pamahalaan sa ilalim ng Presidential Communications Office.
Giit ni Evardone, indikasyon lamang aniya ng pagiging incompetent ng mga tauhan ng pna ang sunud-sunod na pagkakamali ng mga tauhan nito kaya’t dapat nang sibakin ang mga ito.
Magugunitang inulan ng batikos ang tanggapan ni Communications Secretary Martin Andanar makaraang lumabas ang logo ng kompaniyang DOLE Philippines sa isang artikulo patungkol sa holiday pay rules na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE).